Kahit di mayaman ang ekonomiya, sagana naman sa likas na yaman. Ang mga kumikinang na karagatan na matatagpuan kahit saan, mga puting dalampasigan, at mga pangturistang lugar na kay ganda ng isang ginto. Lalo na ang mga natibong pagkain na kay sarap.
Ang mga tao sa Pilipinas ay magiliw sa mga panauhin. Sila'y masayahin na parang mga walang problema sa buhay. Ang kultura nila ay kanilang pinapahalagahan.
Kanilang pinagkukunan ng pagkain at pangkabuhayan ay ang mga likas na yaman na makikita sa kanilang lugar. Hindi mahihirapang makipag-usap ang mga taga-ibang bansa sa mga Pilipino dahil kadalasan sa mga ito ay nagsasalita at nakakaintindi ng Ingles.
Sa Pilipinas, ika'y hindi magsisisi kung ika'y bibisita. Kaya ito'y tinawag na "Perlas ng Silangan".
KAYA'T HALINA AT MAGSAYA!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento